^

Metro

Estudyante tinusok dahil sa computer games

-
Isang 13-anyos na high school student ang sinaksak ng kapwa nito estudyante matapos na magtalo at magkapikunan ang mga ito dahil sa computer games na "counter strike", kamakalawa ng gabi sa Makati City.

Ginagamot sa Ospital ng Makati ang biktima na si Richel Lindly Godinez (lalaki), ng #36 Cattleya St., Brgy. Rizal, ng lungsod na ito sanhi ng malalim na saksak sa katawan buhat sa isang patalim.

Samantala, nakakulong naman sa Makati City Police detention cell ang suspek na itinago sa pangalang Randy, 14, 1st year high school sa Fort Bonifacio High School, Blk. 68, Lot 42, Makati City.

Ayon sa record na nakatala sa Makati City Police Complaint Desk, naganap ang insidente dakong alas-7 kamakalawa ng gabi sa kahabaan ng Begonia st., Brgy. Rizal, ng lungsod na ito.

Nabatid na naglalaro umano ng counter strike sa computer ang suspek at biktima nang magkapikunan at magsuntukan.

Dahil dito, umuwi muna ang suspek at kumuha ng kutsilyo at binalikan ang kaaway at sinaksak ito.

Sinabi naman ng suspek na ipinagtanggol lamang niya ang sarili dahil pinagtulungan umano siya ng biktima at dalawa pang kabataang lalaki na kasama nito.

Dinakip ng mga rumespondeng tanod ang batang suspek, samantala ang biktima naman ay dinala sa nabanggit na pagamutan. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

AYON

BRGY

CATTLEYA ST.

FORT BONIFACIO HIGH SCHOOL

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE

MAKATI CITY POLICE COMPLAINT DESK

RICHEL LINDLY GODINEZ

RIZAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with