Pulis, sekyu todas sa armored van robbery
March 19, 2002 | 12:00am
Isang pulis at isang sekyu ang napatay habang isa pa ang malubhang nasugatan makaraang holdapin ng 15 armadong kalalakihan ang armored van na naglalaman ng kinita ng food chain na nakatakda sanang ipasok sa banko, kahapon ng umaga sa Commonwealth Avenue, Regalado St., Fairview, Quezon City.
Dead-on-the-spot si SPO4 Balbino Dipasupil, nakatalaga sa Batasan Hills CPD Police Station 6 nang tamaan ng bala sa kanyang batok habang nag-aalmusal kasama ang kanyang mga kaanak.
Isinugod naman sa Fairview General Hospital ang dalawang guwardiya na sina Roonie Ballera, 39, ng Lot 37, Brgy. Bagong Silangan, QC at Alexander Zuñiga, 29, kapwa ng Bee Guard Agency at lulang guwardiya ng armored van ng Metro Bank na may plakang TEB-679. Bagamat iniulat na out of danger si Ballera ay idineklara namang nasawi si Zuñiga habang nilalapatan ng lunas.
Sa inisyal na ulat ni P/Supt. Raul Medina, hepe ng CIU, dakong alas-10:30 kahapon ng umaga nang maganap ang insidente sa loob ng Greenwich pizza na katabi mismo ng Jollibee na malapit sa Regalado Ext. sa nabanggit na lugar.
Napag-alaman na aktong naglalabas ng pera ang dalawang food chains at isinasakay sa armored van at nakatakdang ideposito sa Metro Bank nang biglang nilapitan si Zuñiga ng tatlong armadong suspek, tinutukan ng baril at pilit na dinidisarmahan ngunit nanlaban ang huli.
Hanggang sa pinagbabaril na si Zuñiga ng mga suspek at ang isa pa na si Ballera, nagkataon naman na kumakain si Dipasupil sa Greenwich at nagtangkang sumaklolo.
Aktong bubunot ng baril ang pulis ay agad itong binaril sa likuran ng mga suspek na kanyang agarang ikinamatay.
Tumakas ang mga suspect sakay ng get-away car na mettalic green Toyota Corolla, may plakang WPU-234 at apat na motorsiklo tangay ang hindi mabatid na halaga.
Dinampot pa ng mga suspek ang kanilang kasamahan na nasugatan sa palitan ng putok at isinakay sa kanilang get-away car.
Hinala ng pulisya na matagal nang minamanmanan ng mga suspek ang mga nasabing food chains bago isinagawa ang panghoholdap. (Ulat ni Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest