Ang suspek ay nakilalang si Lauro Bondoc, 38, ng Type B, NBP Reservation Compound, ng nasabing lungsod.
Samantala, ang biktima ay si Fe Emocling, 30, dalaga, empleyada, at nakatira din sa nasabing lugar.
Sa imbestigasyon ng pulisya, bayaw ng dalaga ang suspek dahil asawa ito ng kanyang kapatid at magkakasama sila sa isang bahay.
Napag-alaman na katatapos lamang maligo ng biktima nang pumasok ito sa kanyang kuwarto para magbihis.
May narinig akong kumakaluskos habang naka-hubot hubad ako ani Emocling.
Sinabi ni Emocling, na nagsisigaw siya kaya mabilis na rumesponde si PO2 Arnel Pesigan at hinuli ang suspek.
Samantala, isang 29 anyos na lalaki ang nasa malubhang kondisyon matapos itong saksakin ng kanyang kuya na umanoy may topak kamakalawa ng gabi sa Makati City.
Ang biktima ay si Romualdo Maylas, ng Constancia St., Brgy. Olympia ng nasabing lungsod, ito ay nagtamo ng saksak sa katawan sa hindi pa malamang patalim na ginamit ng kanyang kapatid na si Rolando Maylas, 32, tricycle driver na nakakulong ngayon sa Makati City detention cell.
Napag-alaman na dakong alas-2 kamakalawa ng hapon, sinumpong umano ang suspek ng topak kaya walang sabi-sabing tinarakan nito ng saksak ang biktima matapos siyang makakuha ng patalim sa kanilang bahay. (Ulat ni Lordeth Bonilla)