^

Metro

Prison guard kulong sa pamboboso kay 'Rica Peralejo'

-
Naghihimas ng rehas ang isang prison guard ng New Bilibid Prison matapos siyang ireklamo ng kanyang hipag na sinasabing kamukha ni ‘Rica Peralejo’ ng bosohan niya ito habang nagbibihis sa loob ng kanyang kuwarto sa Muntinlupa City, kamakalawa ng gabi.

Ang suspek ay nakilalang si Lauro Bondoc, 38, ng Type B, NBP Reservation Compound, ng nasabing lungsod.

Samantala, ang biktima ay si Fe Emocling, 30, dalaga, empleyada, at nakatira din sa nasabing lugar.

Sa imbestigasyon ng pulisya, bayaw ng dalaga ang suspek dahil asawa ito ng kanyang kapatid at magkakasama sila sa isang bahay.

Napag-alaman na katatapos lamang maligo ng biktima nang pumasok ito sa kanyang kuwarto para magbihis.

‘May narinig akong kumakaluskos habang naka-hubo’t hubad ako’ ani Emocling.

Sinabi ni Emocling, na nagsisigaw siya kaya mabilis na rumesponde si PO2 Arnel Pesigan at hinuli ang suspek.

Samantala, isang 29 anyos na lalaki ang nasa malubhang kondisyon matapos itong saksakin ng kanyang kuya na umano’y may ‘topak’ kamakalawa ng gabi sa Makati City.

Ang biktima ay si Romualdo Maylas, ng Constancia St., Brgy. Olympia ng nasabing lungsod, ito ay nagtamo ng saksak sa katawan sa hindi pa malamang patalim na ginamit ng kanyang kapatid na si Rolando Maylas, 32, tricycle driver na nakakulong ngayon sa Makati City detention cell.

Napag-alaman na dakong alas-2 kamakalawa ng hapon, sinumpong umano ang suspek ng ‘topak’ kaya walang sabi-sabing tinarakan nito ng saksak ang biktima matapos siyang makakuha ng patalim sa kanilang bahay. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ARNEL PESIGAN

CONSTANCIA ST.

EMOCLING

FE EMOCLING

LAURO BONDOC

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

MUNTINLUPA CITY

NAPAG

NEW BILIBID PRISON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with