Kelot binaril sa ulo, bebot natagpas ang tenga
March 18, 2002 | 12:00am
Isang bala sa ulo ang tumapos sa buhay ng isang 25-anyos na lalaki habang natanggalan naman ng isang tenga ang kasambahay niyang babae matapos na pagbabarilin sila ng kanilang kapitbahay na naghiganti sa pagkakabaril rin ng kanyang nakababatang kapatid, sa Pasig City, kamakalawa ng gabi.
Pinaghahanap ng pulisya ang suspek na si Jerrel Reyes, 29, binata, security guard at nakatira sa F. Baltazar St., Brgy. Sto. Tomas ng nabanggit na lungsod.
Patay na nang idating sa ospital si Domingo Oro, binata, habang nilalapatan ng kaukulang lunas si Marcosa Ali mento, 33, mananahi kapwa residente ng nasabing lugar.
Nasa ospital din ang kapatid ng suspek na si Bryan Reyes, 21, estudyante, matapos na magtamo ng isang tama ng bala sa likuran nang barilin umano ito ng ka-live-in ni Alimento na nakilalang si Greg Caranas.
Sa ulat ni PO3 Efren Calix, may hawak ng kaso, nagkaroon umano ng pagtatalo sa pagitan nina Caranas at ni Bryan na humantong sa pamamaril ng una.
Dahil dito, armado ng kanyang service firearm ang suspek ay mabilis na sumugod sa bahay ni Alimento at hinanap si Caranas.
Galit na galit ang suspek at nang hindi makita ang kanyang hinahanap ay si Oro at Alimento ang pinagbabaril nito anang mga testigo.
Si Ora ay tinamaan sa ulo habang si Alimento ay tinamaan sa kaliwang tenga nito.
Pinaghahanap ng pulisya ang suspek. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended