^

Metro

Binasted sa panliligaw nang-rape na lang

-
Hindi matanggap ng isang cook na siya ay bastedin kaya’t nagawa umano nitong gahasain ang isang dalaga na kasamahan niya sa trabaho noong Pebrero sa Makati.

Ang biktima ay itinago sa pangalang Michele, 25, kitchen helper sa Kaya Restaurant, na matatagpuan sa Jupiter St., Brgy. Bel-Air Village, ng #166-C Molave St., Brgy. Cembo, Makati City.

Samantala, nakakalaya pa hanggang sa ngayon ang suspect na si Roland Cabais, may sapat na gulang.

Ayon sa imbestigasyon ni PO2 Celia Domingo ng Women and Children’s Protection Unit, Makati City Police, naganap ang insidente noong Pebrero 25 dakong alas-3 ng madaling-araw sa bahay ng biktima.

Nabatid na nililigawan umano ni Cabais ang dalaga at dahil sa hindi matanggap ng lalaki ang pagbasura sa kanyang pag-ibig ay nagawa nitong gahasain ang dalaga at dahil sa insidenteng ito, kahapon lamang nagharap ng reklamo sa pulisya ang biktima laban kay Cabais. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BEL-AIR VILLAGE

BRGY

C MOLAVE ST.

CABAIS

CELIA DOMINGO

JUPITER ST.

KAYA RESTAURANT

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with