^

Metro

Lasing na pulis nag-amok, kabaro pinagbabaril

-
Tatlong miyembro ng Philippine National Police ang nasugatan matapos na barilin ang mga ito ng lasing na pulis kamakalawa ng gabi sa loob ng K-9 Training Center sa Bagong Silang, Caloocan City.

Ang mga biktima ay sina PO2 Samuel Dapeles, PO2 Alexander Lacandula at kritikal ang kalagayan ni SPO1 Al Mendoza dahil sa tama sa dibdib.

Samantala, ang suspek na si Insp. Reynante Ibon, dating hepe ng PNP-K-9 Training Center na sugatan din ay kusang-loob na sumuko.

Ayon sa pulisya, bandang alas-8 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng nasabing training center na matatagpuan sa Maligaya Park Subd., Bagong Silang.

Nabatid na bago ang insidente, ang mga biktima ay kumakain ng hapunan sa loob ng training center nang makarinig ang mga ito ng sunud-sunod na putok ng baril mula sa labas.

Paglabas nila ay doon sila pinaputukan ng lasing na si Ibon. (Ulat ni Gemma Amargo)

AL MENDOZA

ALEXANDER LACANDULA

BAGONG SILANG

CALOOCAN CITY

GEMMA AMARGO

MALIGAYA PARK SUBD

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

REYNANTE IBON

SAMUEL DAPELES

TRAINING CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with