^

Metro

Taxi driver tinodas ng 3 holdaper

-
Namatay sa kanyang kinauupuan ang isang taxi driver matapos na ito ay pagtulungang saksakin nang manlaban ito sa tatlong holdaper kahapon ng madaling araw sa Las Piñas City.

Ang nasawi ay nakilalang si Rey del Castillo, 33, may-asawa, ng R&E transportation, residente ng #46 EMS Marulas, Valenzuela City dahil sa mga tinamong saksak sa ibat ibang bahagi ng katawan.

Hindi pa nakikilala ang tatlong suspek na agad tumakas tangay ang alahas at perang kinita ng biktima sa buong magdamag na pamamasada.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na ang biktima ay hinoldap at pinatay sa Marigold St., Vergonville Subd., Brgy. Pulang-lupa.

Pinaniniwalaan na ang tatlong suspek ay sumakay sa taxi ng biktima, may plakang TVZ-506 sa hindi pa mabatid na lugar at nagpahatid sa pinangyarihan ng insidente at dito hinoldap at pinatay ang biktima dakong ala-1:20. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BRGY

LAS PI

LORDETH BONILLA

LUMALABAS

MARIGOLD ST.

MARULAS

NAMATAY

PINANINIWALAAN

VALENZUELA CITY

VERGONVILLE SUBD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with