Kidnaper nakonsensiya uminom ng Baygon
March 15, 2002 | 12:00am
Nasa kritikal na kondisyon ang isang ginang na isa sa anim na tangkang kumidnap sa isang batang babae na anak ng mayaman at sa yaya nito nang uminom ng Baygon matapos itong makonsensiya sa kanyang ginawang krimen kamakalawa sa Makati City.
Kinilala ni Insp. Romy Ramos, hepe ng Homicide Division ng Makati PNP ang suspek na si Rosila Javier, dating kusinera ng pamilya ng biktima at kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa Our Lady of Lourdes Hospital.
Pinaghahanap pa ang ibang suspek na sina Fred Soliven, 28, may-asawa; Ofelia Sevilla, 49, biyuda, kapwa nakatira sa Aquino Compound, Brgy. San Rafael, Noveleta, Cavite at tatlong hindi pa nakikilalang kalalakihan.
Si Javier at lima nitong kasama ay sasampahan ng kasong kidnapping sa Makati City Prosecutors Office matapos ang tangkang pagkidnap sa mga biktimang sina Kyla Gibson,1 taon at 8 buwang gulang at yaya nitong si Teresita Madero, 39, ng Amapola St., Bel-Air III, Makati City.
Ang mga biktima ay kinidnap noong Lunes ng gabi habang papauwi na sa kanilang tahanan buhat sa pamamasyal sa Power Plant, Rockwell Center, Brgy. Poblacion.
Hinarang ang mga biktima ng mga suspek at puwersahang ipinasok sa Toyota Corolla (PMX-608) subalit nataranta ang mga kidnapper nang sumigaw ng tulong si Madero.
Sa pagkataranta ng mga suspek ay nagawa ng mga biktima na makalabas ng sasakyan.
Sa isinagawang follow-up operation ay natukoy ang mga suspek na naging dahilan para uminom ng Baygon si Javier. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest