MMDA traffic enforcer tiklo sa kotong

Naaresto ng mga awtoridad ang isang traffic enforcer ng Metro Manila Development Authority (MMDA) matapos itong maaktuhang tumatanggap ng lagay mula sa isang babaeng negosyante kamakalawa ng hapon sa Malabon City.

Ang suspect na si Ben Coleta, 33, nakatalaga sa Northern Traffic Management Group (NTMG) at kasalukuyang nakapiit at nahaharap sa kasong robbery extortion.

Lumalabas sa imbestigasyon ni PO2 Peter Rios, may hawak ng kaso, dakong alas-5:15 ng hapon kamakalawa nang arestuhin ang suspect sa harap ng Jollibee matapos ang isinagawang entrapment laban sa kanya.

Ang pagkakaaresto kay Colete ay bunga ng reklamo ng isang Delia Perito, 38, negosyante ng Maya-Maya St., Brgy. Longos.

Nabatid na bago ang entrapment, hinuli ng suspect ang biktima habang sakay ng kanyang scooter sa kasong di-pagsusuot ng helmet at pekeng sticker kasabay ng pagkuha ng kanyang driver’s license.

Dahil dito, nakiusap ang biktima na patawarin siya subalit humingi ang suspect ng P5,000 kapalit ng kanyang lisensya. (Ulat ni Gemma Amargo)

Show comments