^

Metro

Lalaki nilasing bago sinaksak ng 29 beses

-
Nilasing muna bago sinaksak ng 29 na beses hanggang sa mapatay ang isang lalaki ng kanyang kainuman kahapon ng madaling-araw sa Makati City.

Nasawi noon din ang biktimang si Angelo Junio, 24, may-asawa, ng #171-C 22nd Ave., Brgy. East Rembo, ng lungsod na ito.

Samantala, kaagad na tumakas ang suspect na si Raymon Manabat, 24, binata, walang trabaho ng #116 Narra St., Brgy. Comembo, ng lungsod na ito.

Ayon sa imbestigasyon ni SPO4 Socrates Fernandez ng Homicide Section, Makati City police, naganap ang insidente dakong alas-12:15 ng madaling-araw sa kahabaan ng Chico St., Brgy. Comembo.

Nabatid na nagkatagpo ang biktima at suspect na may dati nang alitan sa hindi pa malamang kadahilanan.

Nilasing muna ng suspect ang biktima at pagkatapos ay muli nitong inungkat ang kanyang galit kay Junio at doon ay tinadtad ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan hanggang sa mamatay ito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ANGELO JUNIO

BRGY

CHICO ST.

COMEMBO

EAST REMBO

HOMICIDE SECTION

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

NARRA ST.

NILASING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with