^

Metro

Utol kinadyot ni kuya dahil sa aso

-
Dahil lamang sa alagang aso, nagawang saksakin ng isang lalaki kamakalawa ng gabi ang kanyang nakababatang kapatid na ngayon ay patawirin sa Pasay City.

Ang biktima na nilalapatan ng lunas sa San Juan de Dios Hospital ay nakilalang si Jesus Godillo, 27, na nagtamo ng saksak sa dibdib.

Samantala, ang suspect na si Teofilo Godillo, 46, ng #156 Ignacio St., ng nasabing lungsod ay nakakulong ngayon sa Pasay City detention cell.

Ayon sa imbestigasyon ni SPO4 Rodolfo Diza ng Criminal Investigation Division (CID), Pasay City police, naganap ang insidente dakong alas-5 kamakalawa ng hapon sa nabanggit na lugar.

Pinalabas umano ng biktima ng kanilang bahay ang kanilang alagang aso dahil baka dumumi ito sa loob ng bahay

Nagalit ang suspect sa biktima hanggang sa sila ay magsuntukan. Nakahagilap ng patalim ang suspect at inundayan nito ng saksak ang nakababatang kapatid.

Mabilis namang dinakip ng pulisya ang suspect at isinugod naman sa ospital ang biktima. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

AYON

CRIMINAL INVESTIGATION DIVISION

DIOS HOSPITAL

IGNACIO ST.

JESUS GODILLO

LORDETH BONILLA

PASAY CITY

RODOLFO DIZA

SAN JUAN

TEOFILO GODILLO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with