^

Metro

TB umatake sa Mandaluyong City Jail

-
Nababahala ngayon ang Mandaluyong Police sa pagkalat at tuluyang maging epidemya ang sakit na tuberkulosis sa loob ng Mandaluyong City Jail matapos na madiskubre ang pagkakasakit ng 29 preso nito sa isinagawang check-up, kamakailan.

Sinabi ni Dr. Teresita Lim, city health officer, lumalabas na 29 inmates ang may sakit na TB sa 390 mga nakakulong sa loob ng city jail matapos na isailalim sa x-ray examination.

Ayon dito, posible umanong nahawa lamang ang ilang preso sa ibang may mga sakit na dahil sa matinding pagsisiksikan, init ng panahon at maduming kapaligiran lalo na’t madaling makahawa ang TB virus.

Agad namang inihiwalay na ang mga presong nakitang nagtataglay ng naturang sakit upang hindi na makahawa pa sa iba at isinasailalim na sa kaukulang medikasyon.

Ipinag-utos naman ni Mayor Benhur Abalos na magsagawa pa ng mas ekstensibong medical exams upang mabatid din kung nagtataglay pa ng ibang mga sakit ang mga preso.

Nagpalabas na rin ng pondo ang lokal na pamahalaan upang ipantustos sa medikasyon ng mga TB patients na aabutin ng may tatlong buwang gamutan. (Ulat ni Danilo Garcia)

AYON

DANILO GARCIA

DR. TERESITA LIM

IPINAG

MANDALUYONG CITY JAIL

MANDALUYONG POLICE

MAYOR BENHUR ABALOS

NABABAHALA

NAGPALABAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with