Truck ng semento hinayjack
March 13, 2002 | 12:00am
Dalawang truck ng semento na nagkakahalaga ng P1.5 milyon ang hinayjack ng limang armadong kalalakihan na nakatakda sanang ideliber sa Batangas, kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.
Sa report ng Central Police District-Criminal Investigation Unit (CPD-CIU), sakay si Dante Chua, negosyante ng #471 Brgy. Culiat, Tandang Sora, Quezon City, ng kanilang delivery truck (CMZ-541) kasunod ang isa pa nilang truck (WGJ-540) nang harangin umano sila ng mga armadong kalalakihan dakong ala-una ng madaling-araw sa kahabaan ng P. Tuazon Blvd., tapat ng Quezon City Medical Center na lulan ng owner-type jeep.
Sabay na nagbabaan ang limang kalalakihan at kaagad na tinutukan ng dalang maiiksing baril ang biktima.
Bukod sa dalawang truck, tinangay din ng mga suspek ang isang cellphone, ATM card bago nagsitakas sa hindi pa mabatid na direksyon. (Ulat ni Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest