Taong-grasa dinos-por-dos ng 3 senglot, todas
March 13, 2002 | 12:00am
Isang taong-grasa ang namatay matapos hatawin ng dos-por-dos ng tatlong lasing nang pagtalunan kung sino ang nagmamay-ari ng nakatayong istatwa ng agila, kamakalawa ng gabi sa Makati City.
Hindi pa mabatid ng pulisya kung ano ang pangalan ng taong-grasa na nasawi noon din dahil sa tama ng dos-por-dos sa ulo at ibat ibang bahagi ng katawan nito.
Hindi pa rin kilala ang tatlong suspek na mabilis tumakas matapos isagawa ang krimen.
Lumabas sa imbestigasyon ni PO1 Reuel Riodique, dakong alas-8 ng gabi sa ilalim ng istatwa ng agila na nakatayo sa center island ng South Superhighway, panulukan ng Ampere st., Brgy. Palanan nang maganap ang insidente.
Nabatid sa ilang saksi na nag-iinuman ang biktima at mga suspek nang magtalu-talo ang mga ito kung sino ang may-ari ng istatwang agila.
Napikon ang mga suspek kayat sinuntok nila ang biktima at hindi pa nasiyahan ay kanilang hinataw ng kahoy. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest