Lalaki grabe sa saksak dahil kinainggitang guwapo
March 12, 2002 | 12:00am
Hindi akalain ng isang 17-anyos na binatilyo na ang pagiging pogi ang maging dahilan ng kanyang kamalasan makaraang pagtripan itong saksakin ng isang lalaking nainggit sa kanyang kapogian kamakalawa sa Makati City.
Ginagamot sa Mandaluyong Medical Center ang biktimang si Noel Padagas, ng #4178 Ponte St., Brgy. Tejeros, Makati City, sanhi ng saksak sa katawan ng balisong.
Samantala, kaagad namang nadakip ng pulisya ang suspek na si Roel de Guzman, 19, ng #3637 Davila St., Brgy. La Paz, Makati.
Ayon sa pagsisiyasat ni PO1 Reuel Riodique ng Homicide Section, Makati City Police, naganap ang insidente dakong alas-11:45 ng gabi sa panulukan ng Ponte at Pasong Tamo sts., Brgy. Tejeros, Makati.
Bumibili ng tinapay ang biktima nang bigla itong lapitan ng suspek at walang sabi-sabing sinuntok.
Hindi pa nakuntento ang suspek, kinuha nito sa bulsa ang nakatagong balisong at inundayan ng saksak ang biktima.
Nabatid na pinagtripan lamang ng suspek ang biktima dahil naiinggit umano ito nang malaman niyang mas magandang lalaki sa kanya ang biktimang si Padagas.
Kaagad na dinala si Padagas ng mga kaanak nito sa nabanggit na pagamutan. Samantala, ang papatakas na si de Guzman ay nadakip nina PO1 Riodique at PO2 Ricky Tan ng follow-up section. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended