^

Metro

Holdaper tinodas ng kakosa

-
Isang 18-anyos na holdaper ang napaslang ng isa ring holdaper nang mag-krus ang landas ng mga ito sa isang shooting incident sa Quezon City, kahapon ng madaling-araw.

Nakilala ang biktimang si Eduardo Riguer Jr., ng #1237 Bambang St., Sta. Cruz, Maynila na sinasabing miyembro ng M-5 gang at Joey Dennis Olbis, 19, mekaniko ng #3008 Sampaguita St., Batasan Hills, na sinasabing nadamay lamang matapos tamaan ng ligaw na bala.

Naganap ang insidente dakong alas-12 ng madaling-araw sa Ilang-Ilang St., Brgy. Batasan Hills, QC, nang magkasalubong ng landas ang M5 gang at isa pang holdap gang sa nasabing lugar habang ang una ay hinahabol ng mga barangay tanod matapos na mabuko ang panghoholdap ng grupo nito sa Quezon City.

Isang Juvie Gandon, 25, service crew ng Persian restaurant ang hinoldap umano ng grupo ni Riguer at nang mabuko ay nakapanghingi ng tulong sa mga nagrorondang tanod sa nasabing lugar, agad namang hinabol ng mga tanod si Riguer at tatlo pa nitong kasamahan.

Matapos ang mahabang habulan, nasalubong ng grupo ni Riguer ang kalabang gang sa may Ilang-Ilang St. kaya’t nagkaroon ng barilan sa pagitan nito.

Sa insidenteng ito, agad napuruhan ng baril ng kalabang gang si Riguer na naging ikinamatay agad nito at aksidenteng tinamaan naman si Olbis na noon ay bibili lamang ng tinapay.

Dalawang miyembro ng M5 ang naaresto at nakilalang sina Jojo Lachica at Jefrey Hernandez na kapwa kasama ni Riguer.

Nakumpiska mula kina Lachica ang isang shotgun at patalim na ginamit sa panghoholdap kay Gandon.

Takdang sampahan ng kaukulang kaso sina Lachica at Hernandez habang nakapiit sa Fairview Police detention cell samantalang walang nahuli sa kalabang gang ng M5. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BAMBANG ST.

BATASAN HILLS

CRUZ

EDUARDO RIGUER JR.

FAIRVIEW POLICE

ILANG-ILANG ST.

ISANG JUVIE GANDON

JEFREY HERNANDEZ

QUEZON CITY

RIGUER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with