Mag-ina dedo sa salpok ng 'Radyo Patrol'
March 12, 2002 | 12:00am
Isang mag-ina ang namatay habang nasa kritikal na kondisyon sa pagamutan ang asawa at isa pa nitong anak nang masagasaan ng mobile car ng radio-DZMM kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.
Dead-on-arrival sa New Era Hospital ang mga biktimang sina Estella, 35; at Paulyn Roxas, 6, mag-ina at residente ng #70 Sitio Mabilog, Tatalon Munti, QC, bunga ng matinding pagkabagok ng ulo at katawan sanhi ng malakas na pagkakabundol ng sasakyan sa mga ito.
Patuloy namang nakikipaglaban sa kamatayan ang asawa ni Estella na si Manolito, 30, at isa pa nilang anak na si Celyn, 2, na nagtamo rin ng major injuries sa ibat ibang bahagi ng katawan bunsod ng aksidente.
Kusang-loob namang sumuko sa mga awtoridad ang suspek na si Antonio Magat, 26, ng 105 Bagong Sibol St., Marcela, Caloocan City na driver ng DZMM reporter na si Nelson Lubao.
Ayon sa CPD Traffic Sector 5, naganap ang aksidente dakong alas-5:15 ng madaling-araw sa kahabaan ng Commonwealth Ave., kanto ng Ylanan St., Q.C.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, pababa mula sa dinaanang overpass ang mag-anak nang biglang sumulpot ang humahagibis na mobile car ng DZMM na may plakang UKW-455.
Nabatid na habang tinatahak ng driver na si Magat ang kahabaan ng Commonwealth papuntang Fairview ay nawalan ito ng kontrol sa manibela dahilan upang maganap ang malagim na trahedya. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended