^

Metro

Metro-police hirap kay Lumbao

-
Sinabi ni NCRPO Chief Edgardo Aglipay na hirap ang kanyang tanggapan sa paghahanap kay Ronald Lumbao, lider ng People’s Movement Against Poverty (PMAP).

Ayon kay Aglipay, nakipag-ugnayan siya sa tanggapan ni NBI Director Reynaldo Wycoco para tulungan silang tugisin si Lumbao.

Sinabi ni Aglipay, hanggang nakakalaya pa si Lumbao ay magsisilbing isa itong umanong malaking banta sa seguridad ng pangkasalukuyang pamahalaan.

Si Lumbao ay sinasabing sinusunod ng mga loyalista ng dating Pangulong Joseph Estrada at umano’y namuno noong Mayo 1, 2001 para patalsikin sa puwesto si Pangulong Gloria Macapagal -Arroyo.

Gayunman, sinabi ni Wycoco, kahit na marami silang malalaking kasong hinahawakan ay susuportahan niya ang kapulisan para bumagsak si Lumbao sa kamay ng batas.

Samantala, hinikayat naman ni Aglipay si Lumbao na sumuko na lamang at harapin ang kasong rebellion na isinampa dito ng pamahalaan.(Ulat ni Ellen Fernando)

AGLIPAY

CHIEF EDGARDO AGLIPAY

DIRECTOR REYNALDO WYCOCO

ELLEN FERNANDO

LUMBAO

MOVEMENT AGAINST POVERTY

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

RONALD LUMBAO

SI LUMBAO

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with