Empleyado ng PNP-ASG sa NAIA, bibigyan ng parangal
March 11, 2002 | 12:00am
Muntik nang maudlot ang pangarap ng isang Overseas Filipino Worker (OFW) na makapagtrabaho sa ibang bansa nang hindi sinasadyang maiwan nito ang kanyang clutch bag na naglalaman ng pera at iba pang importanteng dokumento sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), kamakalawa ng gabi.
Natutuwa si Bonifacio Roxas nang maisauli ang kanyang itim na clutch bag na kumpleto ang laman.
Si Jonabelle Vicente, isang matapat na kagawad ng Philippine National Police Aviation Security Group, ang nagbalik ng nasabing mga kagamitan.
Sinabi ni PNP-ASG Chief Supt. Marcelo Ele Jr., bibigyan niya ng parangal ang kanyang tauhan dahil sa katapatan nito sa tungkulin.
Ayon kay Ele, mayroon lamang na P3,790 ang laman ng clutch bag ni Roxas sa ibat-ibang dominasyon pero ang importante dito ay ang kanyang travel documents.
Hindi ito makakapasok sa port of destination niya kung wala ang kanyang passport. Kaya tiyak na babalik ito ng bansa, ani Ele.
Si Roxas ay patungong Italy sakay ng KLM flight 808. (Ulat ni Butch M. Quejada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended