Mag-amo grabe sa saksak dahil sa basura
March 11, 2002 | 12:00am
Nasa kritikal na kalagayan sa isang ospital ang mag-amo nang gulpihin at saksakin ng apat katao dahil lamang sa basura nang makitang itinapon ng kanyang katulong sa bakod ng isa sa mga suspek sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.
Ang mga biktima ay nakilalang sina Ariel Alcoran, 39, may-asawa, negosyante at Allen Ampay, 25, binata, helper, kapwa nakatira sa Poblacion St., Polo ng nasabing lugar. Sila ay nagtamo ng ibat-ibang pasa at saksak sa kanilang mga katawan.
Ayon sa ulat ng pulisya, dakong alas-11:45 ng gabi ay nahuling nagtapon ng basura si Ampay sa bakod ng isa sa mga suspek na nakilalang si Ian Sacay.
Nagkaroon ng komprontasyon ang dalawa pero hindi nagustuhan ni Sacay ang sagot ni Ampay kaya pinagsusuntok niya ito.
Gayunman, nakita ng mga kaibigan ni Sacay na sina Dyok-dyok, Trajano at isang alyas Tan ang pangyayari kaya tumulong ang mga ito para gulpihin si Ampay.
Samantala, narinig naman ni Alcoran ang mga kalabugang nagaganap kaya lumabas ito para awatin ang mga suspek pero siya ang pinagbalingan at sinaksak.
Tumakas ang mga suspek matapos nilang makitang bagsak sa kalye ang mag-amo. (Ulat ni June Trinidad)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended