P20-M ari-arian naabo sa bodega ng plastic
March 11, 2002 | 12:00am
May P20 million halaga ang naabo matapos masunog ang isang bodega na pagawaan ng Orocan plastic sa Malabon City, kahapon ng umaga.
Ayon kay Sr/Insp. Sixto Bautista, Malabon Fire Marshall, ang nasunog ay ang Oracan Plastic factory na pag-aari ng isang Ramon Go, 58 ng 150 Panghulo Road, Brgy. Panghulo ng nasabing lugar.
Ayon sa ulat, nag-umpisa ang sunog sa gitnang bahagi ng bodega nang biglang umapoy umano ang isang makina dakong 9:15 ng umaga.
Tumagal ng dalawang oras ang sunog na umabot sa Task Force Echo bago ito tuluyang naapula dakong 11:30 ng umaga.
Wala namang iniulat na nasaktan sa nasabing sunog habang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad para alamin ang sanhi ng sunog. (Ulat ni June Trinidad)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest