^

Metro

3 dalagita naisalba sa sex den

-
Nailigtas ng pinagsanib na puwersa ng Western Police District Women’s and Children’s Protection Unit at Criminal Investigation Division Unit (CIDU) ang tatlong kababaihang menor de edad na umano’y pinagsasayaw ng hubo’t hubad sa entablado sa isinagawang pagsalakay sa isang bahay aliwan sa Rizal Ave., Sta. Cruz, Maynila.

Nasa pag-iingat ni WCPU Chief/Supt. Araceli Diaz Hofilena, ang tatlong biktima na itinago sa mga pangalan Mary Jane, Ana Marie at Analiza, pawang 15-anyos ng Tondo, Maynila, matapos masagip ng mga awtoridad sa Super Cat Disco Theatre and Restaurant, na umano’y pinamamahalaan ng isang nagngangalang Juvy.

Ang mga biktima ay ni-recruit umano ng isang Juliet Victorio, na pinangakuan ng magandang trabaho kapalit din ng magandang suweldo na P3,000 kada buwan. Dahil mga bata pa umano at gustong kumita kung kaya’t pumayag ang mga ito. Pero nagulat sila ng paghubarin sila pagdating sa club.

Ayon sa kanila, dinadala pa sila sa probinsiya tulad sa Bacolod at para magsayaw ng hubad dahil may kontrata daw sila sa special show.

Gayunman, nahuli ang mga bugaw nito ng magreklamo ang mga magulang ng bata dahil sinorpresa sila ng pulisya ng dadalhin sila sa probinsiya. (Ulat ni Ellen Fernando)

ANA MARIE

ARACELI DIAZ HOFILENA

CRIMINAL INVESTIGATION DIVISION UNIT

ELLEN FERNANDO

JULIET VICTORIO

MARY JANE

MAYNILA

PROTECTION UNIT

RIZAL AVE

SUPER CAT DISCO THEATRE AND RESTAURANT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with