^

Metro

'Manyakis' bugbog sarado sa taumbayan

-
Nagmistulang kulay talong ang katawan ng isang 39 anyos na lalaki makaraang kuyugin ito ng taumbayan dahil sa pagdakma nito sa maseselang parte ng katawan ng isang 12-anyos na batang babae sa Quezon City, kahapon.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Edwin Eniego, may-asawa, ng Sampaguita st., Bagombong, Caloocan City. Namaga ang mukha nito at katawan sa dami ng suntok at palo na tinamo sa mga galit na galit na istambay ng makita ang ginawa sa biktima na itinago sa pangalang Nene.

Ayon kay PO3 Gil Nino, ng Novaliches police, dakong alas-7 ng umaga ng harangin at lapitan ni Eniego ang biktima sa may tapat ng Benito Store, Quirino Highway ng nasabing lugar papunta sa kanyang eskuwelahan.

Ayon kay Nene, nagulat siya ng lamutakin ng suspek ang maselang bahagi ng kanyang katawan kaya nagsisigaw siya na naging dahilan para makakuha ito ng atensyon sa mga naka-istambay na kalalakihan.

Dahil dito, walang sabi-sabing ginulpi ng mga istambay ang suspek at nang makitang lupaypay ito dinala nila sa presinto si Eniego. (Ulat ni Jhay Mejias)

vuukle comment

AYON

BAGOMBONG

BENITO STORE

CALOOCAN CITY

EDWIN ENIEGO

ENIEGO

GIL NINO

JHAY MEJIAS

QUEZON CITY

QUIRINO HIGHWAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with