Droga malayang naipupuslit sa Correctional
March 8, 2002 | 12:00am
Ibinulgar kahapon ng isang preso ng Correctional Institute for Women sa Mandaluyong City ang malayang pagpupuslit umano ng shabu at iba pang iligal na droga sa loob ng mga selda ng mga dalaw ng mga espesyal na inmates.
Sinabi ng informant na isang presong alyas Baby, may kasong illegal recruitment, ang kinukuhanan umano ng droga ng mga dupang na preso upang kanilang gamitin.
Ayon dito, may palagay silang asawa ni Baby ang nagpapasok ng droga sa kulungan.
Sabi ng source, wala pa umanong isinasagawang imbestigasyon si Dr. Zoraida Ocampo, OIC, para matigil na daw ang pot session na nangyayari sa mga selda.
Ayon sa source, may special treatment umano ang mister ni Baby dahil hindi ito dumadaan sa regular na inspeksyon at umaabot ng hanggang madaling araw umano ang pagdalaw nito.
Sabi ng source, ganito rin umano ang trato kay Yu Yuk Lai, ang shabu queen dahil nag-iisa lamang ito sa kanyang selda at may telebisyon pa.
Gayunman, sinabi ni Dr. Ocampo, walang VIP treatment sa nasabing lugar at wala din daw pot session na nangyayari sa loob nito dahil regular ang guwardiya sa pag-iikot sa mga selda.
Ayon kay Ocampo, mag-isa lamang si Lai sa kanyang selda dahil kaso umano ito ng overcrowding at wala pang paglilipatan dito. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am