4 mayors kinasuhan ng Ombudsman
March 7, 2002 | 12:00am
Ipinag-utos kahapon ng tanggapan ng Ombudsman ang pagsasampa ng kasong paglabag sa anti-graft and corrupt practices act laban sa apat na alkalde ng magkakaibang lalawigan.
Ang mga mayors ay kinalalang sina Dionisio Donato T. Garciano, ng Baras, Rizal; Fernando M. Abay ng Tinglayan, Kalinga; Lucena Diaz Demaala ng Narra, Palawan at Tranquillana T. Maniwang, ng Sikatuna, Bohol.
Si Dionisio, ay guilty umano sa nasabing kaso ng biglaan nitong alisin bilang opisyal ng municipal government ang isang Nolasco R. Vallestero mula sa hanay ng mga empleyado nito at tumangging ibigay din ang mga benepisyo.
Dahil dito, isinulong ng Ombudsman for Luzon ang nasabing kaso laban kay Dionisio.
Nahaharap din sa katulad na kaso si Abay makaraang makialam umano ito sa transaksyon sa pagitan ng munisipalidad ng Tinglayan, Kalinga at sa Sleeping Beauty Commercial. Asawa umano ni Mayor ang makikinabang sa transaksyong ito.
Sa ilalim ng batas, di pinapayagan ang sinumang opisyal na pumasok sa isang kontrata na siya rin ang makikinabang.
Si Demaala at si Arlene Diza Barquilla-Cabando, anak ng una at sinasabing may-ari ng ADB Trading and Services ay pumasok umano sa isang kontrata para daw mag-deliber ng office supply sa munisipyo.
Si Maniwang ay sinampahan ng kasong malversation of public funds at falsification of public documents matapos umanong pekein nito ang lagda ng isang Roberto Baga. (Ulat ni Grace Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am