^

Metro

Producer ng 'The Weakest Link', pinako-contempt

-
Hiniling ng GMA Network, Inc., sa Quezon City Regional Trial Court na i-cite for contempt ang producer ng programang "The Weakest Link," matapos na ituloy ang pagpapalabas nito.

Batay sa petisyon, nais ng GMA Network, Inc., na i-cite for indirect contempt ang Viva Television Corp., President at Chairman of the Board na si Vicente del Rosario Jr., at Vice-President Veronique del Rosario-Corpus dahil na rin sa pagbalewala sa writ of injunction na ipinalabas ni QCRTC Judge Vivencio Baclig, noong Disyembre 4, 2001.

Lumilitaw sa record ng korte na nagharap ng reklamo ang petitioner para sa specific performance, injunction at damages with urgent prayer for the issuance of a temporary restraining order and/or a writ of preliminary injunction laban sa defendants kabilang na ang ECM Europe at ECM Asia na siyang tumatayong negosyador sa pagpapalabas ng nasabing game show.

Ang mga ito ay sinampahan ng kasong breach of contract.

Noong Disyembre 4, 2001, nag-isyu ng writ of preliminary injunction si Baclig matapos na magharap ng bond na P5 million halaga ang GMA Network, Inc. Ito naman ang naging dahilan ng pansamantalang pagkakatigil sa pagpapalabas ng game show na "The Weakest Link" ni Edu Manzano.

Nagharap naman sa Court of Appeals(CA) noong Disyembre 5 ng petition for certiorari with prayer for issuance of TRO and/ or preliminary injunction hinggil sa umano’y grave abuse of discretion sa panig ni Judge Baclig.

Pero matapos ang Pebrero 8, nagpalabas pa rin ng episode ang The Weakest Link noong Peb. 11,18,19,20,25. at 26 sa IBC 13. (Ulat ni Doris Franche)

CHAIRMAN OF THE BOARD

COURT OF APPEALS

DISYEMBRE

DORIS FRANCHE

EDU MANZANO

JUDGE BACLIG

JUDGE VIVENCIO BACLIG

NOONG DISYEMBRE

QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT

WEAKEST LINK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with