Killer ni Tuadles malabong makalaya
March 6, 2002 | 12:00am
Malaki ang posibilidad na mabitin ang paglaya sa New Bilibid Prison (NBP) ni dating Games and Amusement Board (GAB) Chairman Alberto Ambet Antonio bunga ng naglabasang ulat na labas-pasok ito sa kanyang kulungan.
Ang pahayag ay ginawa ni Department of Justice(DOJ)Secretary Hernando Perez, makaraang makarating ang nasabing ulat dito at sinabing posibleng masira ang rekord ni Antonio at hindi na ito maging kuwalipikado para sa parole.
Nalaman mula sa ulat ng Bureau of Corrections (BUCOR) sa DOJ, natuklasan na nilabag ni Antonio ang permisong ibinigay sa kanya ni Justice Undersecretary Ramon Liwag para sa isang araw na pagdalaw noong Disyembre 28, 2001, sa burol ng kanyang namatay na kapatid na si Roberto Antonio sa Christ the King Church sa Quezon City.
Nadiskubre ng DOJ na bumalik lamang si Antonio sa NBP noong Disyembre 30,2001.
Una ng inihayag kamakailan ni Perez na kasama ang pangalan ni Antonio sa listahang inirekomenda ng Board of Pardons and Parole (BPP) para sa paglaya nito.
Ito ay makaraan mapagsilbihan ni Antonio ang minimum ng kanyang sentensiya ng ibaba ng Supreme Court (SC) ang hatol sa kanyang kaso mula murder ay nauwi na lamang ito sa kasong homicide. Mula sa parusang habambuhay na pagkabilanggo ay nauwi na lamang ito sa parusang 10-14 taong pagkabilanggo.
Si Antonio ang pumatay sa PBA player na si Arnulfo Tuadles at ngayon ay itinuturing umanong bosyo sa loob ng NBP.
Dahil sa nasabing anomalya, pinakakasuhan ng Investigation Section ng NBP kay BUCOR Director Ricardo Macala ang dalawang prison guard na nakilalang sina PG1 Rene Brazil at Emmanuel Malinao na umiskort kay Antonio ng dalawin nito ang kanyang kapatid. (Ulat ni Grace Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended