^

Metro

Dancer naaktuhan sa entablado ng live-in, binurda ng 17 saksak

-
Agaw-buhay ang isang babaeng dancer ng isang beerhouse matapos na 17 beses pagsasaksakin ng kanyang ka-live-in na lalaki dahil sa matinding selos nang madiskubre nito ang tunay na trabaho ng babae, kahapon ng madaling-araw sa Mandaluyong City.

Patuloy na inooperahan sa Mandaluyong City Medical Center ang biktimang nakilalang si Jane Alis, 30, dancer ng Jade Bistro restaurant and videoke, habang arestado at nakakulong ang suspek na si Edgardo Cortez, 33, ng #4 Correctional Road, Brgy. Addition Hills, lungsod na ito.

Sa ulat ni SPO3 Guillermo Boy, imbestigador, naganap ang pananaksak dakong alas-4 ng madaling-araw sa loob ng kanilang tinutuluyang bahay matapos na sunduin ni Cortez ang kinakasama sa trabaho nito.

Nabatid na nagtungo umano si Cortez sa may Jade Bistro at uminom ng konting beer. Dito naman niya naaktuhan ang kinakasama na tinawag sa entablado at nag-umpisang magsayaw.

Habang nasa daan papauwi, nag-umpisa umanong magtalo ang dalawa dahil sa ang akala ni Cortez ay guest relation officer lamang ito at hindi sasayaw na sinagot naman ng biktima na hindi niya gagawin iyong kung may matinong trabaho lamang umano ang suspek.

Nagpatuloy ang pagtatalo ng dalawa at pagdating sa bahay hindi na nakapagtimpi ang suspek at tinadtad ng saksak ang kinakasama gamit ang isang icepick.

Labis naman ang pagsisisi ng suspek at nagdilim lamang umano ang kanyang paningin sa sobrang pagkainis, pero kahit manghinayang pa ito sa walong taon nilang pagsasama na nagbunga ng isang anak ay huli na. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

ADDITION HILLS

AGAW

CORRECTIONAL ROAD

DANILO GARCIA

EDGARDO CORTEZ

GUILLERMO BOY

JADE BISTRO

JANE ALIS

MANDALUYONG CITY

MANDALUYONG CITY MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with