Salaysay ng Indian terrorist inisnab ng DOJ
February 28, 2002 | 12:00am
Binalewala ng Department of Justice (DOJ) ang unang isinumiteng salaysay ng Indian national na miyembro umano ng Al-Qaeda terrorist group hinggil sa nangyaring pagpapasabog sa Light Rail Transit (LRT) noong 2001.
Sinabi ni State Prosecutor Peter Ong, sa ginawang preliminary investigation, na hindi nila kinukumpirma ang mga unang ibinigay na pahayag ni Fathur Roman Al-Ghozi dahil sa hindi naman nito naiintindihan ang nilalaman ng kanyang isinumiteng affidavit.
Nabatid na hindi alam ni Al-Ghozi ang mga nakapaloob sa affidavit dahil sa itoy nakasulat sa wikang Pilipino.
Ipinahayag ng DOJ na hindi nila maaring sertipikahan o kumpirmahin ang naunang sinumpaang salaysay ni Al-Ghozi ng aminin nito na siya ang utak at mismong nag-plano sa malagim na insidente noong Rizal Day, Dec. 30, 2000.
Bunga nito, itinakda ng prosekusyon ang pagpapalabas ng isang resolusyon para sa kaso ng akusado sa mas lalong madaling panahon.
Bukod sa nasabing kaso, nahaharap din si Al-Ghozi sa kasong paglabag sa Presidential Decree (PD) 1866 o illegal possession of explosives.
Si Al-Ghozi, ay kinasuhan ng General Santos City PNP sa Municipal Trial Court kasama ang ilan pang kasamahan nito dahil na rin sa pag-iingat umano ng pampasabog o bomba. Nakuha dito ng mga awtoridad ang may 17 pirasong M-16 armalite rifle at apat na rolyo ng detonation cord na gamit din sa paggawa ng bomba noong Enero 17, 2002 sa Purok, Maguindanao, Brgy. Labangad, General Santos City. (Ulat ni Grace Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended