Sekyu binoga ang sarili
February 27, 2002 | 12:00am
Dahil sa tindi ng sakit sa tiyan tinapos ng isang security guard ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbaril sa sentido sa loob mismo ng kanyang binabantayang gusali sa YMCA, Manila, kahapon ng umaga.
Kinilala ng pulisya ang biktimang si Henry Ibarra 44, may-asawa, ng Safeguard Security Agency at nakatalaga sa Land Bank Office ng nasabing lugar at nakatira sa Brgy. Katipunan Quezon City.
Ayon sa ulat ng pulisya, dakong alas-7:20 ng umaga nang maganap ang insidente na ikinagulat ng mga empleyado ng Land Bank sa nabanggit na lugar. Nagtamo ng isang tama ng bala ng kalibre .38 na baril ang biktima sa kanyang kanang sentido na ikinamatay nito.
Nalaman kay Jose Neri Gramones, kasamang guwardiya ng biktima na wala umano siyang alam na dahilan para magpakamatay si Ibarra dahil wala naman itong nababanggit sa kanya hinggil sa kanyang mga problema.
Sa pagsisiyasat ng pulisya, mayroon umanong karamdaman si Ibarra na labis nitong ikinabahala na posibleng naging dahilan para wakasan nito ang kanyang buhay. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended