^

Metro

Dalawang bata, 2 pa tiklo sa pagpapakalat nang pekeng pera

-
Apat katao kabilang ang dalawang binatilyo ang hinuli ng mga tauhan ng Mandaluyong City police matapos salakayin ang isang bahay na pinagtataguan ng mga pekeng perang pinakakalat sa Metro Manila.

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Rogelio Morados, 32, mekaniko, Zaldy Taboada,35 kapwa ng Welfareville Cmpd., Brgy. Addition Hills, Mandaluyong City. Samantala, sina Jacky, 16, at Joel, 15, ng Nueve de Pebrero ng nasabing lungsod ay nahuli sa aktong nagbabayad ng pekeng pera sa isang video shop.

Ayon sa ulat ni P/Insp. Rommel Labalan, deputy commander ng Police community Precint-2, nabisto umano ni Irene Buenaobra, may-ari ng nasabing tindahan na peke ang iniaabot na dalawang pirasong tig-P500.00 nina Jacky at Joel matapos silang mamili ng CD na nagustuhan nila.

Dahil dito, mabilis na pinagbigay alam ng biktima sa pulisya ang ginawa ng dalawang binatilyo.

Gayunman,kinanta ng dalawa sina Taboada at Morados na pinanggalingan umano ng pekeng pera. (Ulat ni Danilo Garcia)

ADDITION HILLS

APAT

DANILO GARCIA

IRENE BUENAOBRA

MANDALUYONG CITY

METRO MANILA

ROGELIO MORADOS

ROMMEL LABALAN

WELFAREVILLE CMPD

ZALDY TABOADA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with