2 empleyado ng Manila City Hall namimintong masibak
February 26, 2002 | 12:00am
Nanganganib na masibak sa tungkulin ang dalawang empleyado ng Manila City Hall na kapwa miyembro ng Manila Traffic Keeping Action Team (MATAPAT) dahil sa pananaksak sa isang lalaki sa Sta. Cruz, Manila, kahapon ng madaling-araw.
Kasalukuyang nakadetine sa WPD integrated jail ang mga suspek na sina Eduardo Replan, 29, at Allan Fernando, 25, pawang taga-Tondo, Manila.
Samantala, nasa kritikal na kundisyon umano sa University of Santo Tomas (UST) ang biktimang si Ciriaco Lopez, 21, ng Quiricada St., Sta. Cruz, Manila.
Base sa pagsisiyasat ng pulisya, dakong alas-12:20 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa may panulukan ng Mayhaligue at Rizal Ave., ng nabanggit na lugar. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest