^

Metro

LTO traffic court ibinasura ng transport group

-
Ibinasura kahapon ng malalaking transport group ang proposal ng Land Transportation Office (LTO) sa paglikha ng isang traffic court na siyang hahawak sa kaso ng mga nahuhuling motorista sa Metro-Manila dahil pagmumulan umano ito ng katiwalian.

Tinutulan ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON), Philippine Confederation of Drivers Organization-Alliance of Concerned Transport Operators (PCDO-ACTO) at Pambasang Katipunan ng mga Kooperatibang Pansasakyan (PKKP) ang nasabing inihaing proposal ni LTO Chief Roberto Lastimoso.

Ayon kay Lastimoso, isang traffic court ang bubuuin para dinggin hindi lang ang kaso ng mga abusadong motorista maging ang pagdinig sa kaso ng mga enforcer at mga opisyal ng LTO na irereklamo ng publiko.

Gayunman, sinabi ni Medardo Roda, pangulo ng PISTON na hindi umano mababawasan ang korapsiyon sa nasabing traffic court bagkus ay lalo pang kakalat dahil sa magiging moro-moro lamang umano ang paglilitis dahil sa hindi sila nakakasiguro kung mga tunay na abogado ang hahawak ng mga kaso. (Ulat ni Angie dela Cruz)

ANGIE

CHIEF ROBERTO LASTIMOSO

DRIVERS ORGANIZATION-ALLIANCE OF CONCERNED TRANSPORT OPERATORS

KOOPERATIBANG PANSASAKYAN

LAND TRANSPORTATION OFFICE

MEDARDO RODA

OPERATORS NATIONWIDE

PAMBASANG KATIPUNAN

PINAGKAISANG SAMAHAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with