Pajero ng anak ni Acop, sinigurong makukuha - EPD
February 26, 2002 | 12:00am
Siniguro ng mga tauhan ng Eastern Police District Criminal Investigation Unit (EPD-CIU) na maibabalik sa loob ng dalawang linggo ang sasakyan ng anak ni P/Chief Supt. Reynaldo Acop na kinarnap noong Biyernes.
Ito ang mariing pinagmalaki kahapon ni P/Supt. Antonio Aguilar, hepe ng nasabing unit na humahawak ng kaso.
Ayon kay Aguilar, may mga minamatyagan ilang grupo ang kanyang mga tauhan upang mapadali ang pagdakip sa mga ito.
Matatandaan noong Biyernes ng gabi ay pinarada ni Rolando Acop, anak ni Gen. Acop ang kaniyang Mitsubishi Pajero may plakang XCY-222, sa tapat ng isang banko malapit sa Poveda Learning Center dakong alas-9:15 ng gabi. Dahil may guwardiya sa nasabing lugar nagtiwala itong walang gagalaw sa kanyang sasakyan naglakad ng lamang sila ng kanyang mga kaibigan para manood ng sine sa may Galleria.
Halos ganito din, ang nangyari sa Toyota Land Cruiser ni Sen. John Osmeña, tinangay din ng mga karnaper habang nakaparada ito sa isang lugar sa EDSA-Shangrila Plaza.
Pero narekober ito ng pulisya kasi iniwanan na lamang ng mga karnaper ang sasakyan ng mabalitaan siguro na kay Sen. Osmeña ang nasabing land Cruiser.
Dalawang kaso ng carnapping na pagmamay-ari ng mga prominenteng tao ang pinasalubong ng mga karnaper sa bagong upong hepe ng EPD na si P/Sr. Supt. Rolando Sacramento. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am