GMA nagbigay ng P.5-M para sa pangkabuhayan
February 26, 2002 | 12:00am
Nagbigay kahapon ang Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ng pondong umaabot sa P500,000 bilang tulong pangkabuhayan sa mga kababaihan sa Quezon City na kabilang sa grupong Alerta Lavandera. Kasama sa okasyon si Quezon City Mayor Feliciano SB Belmonte.
Ang pamamahagi ng pondo sa Old Balara, Quezon City ay ginawa sa paglulunsad ng Ahon Kabuhayan project ng Ginintuan at Makabayan Alay Foundation.
Ang mga tumanggap ng pondo para sa kanilang livelihood projects ay mga miyembro ng Feria-Laura Alerta SEA-K Association, Tandang Sora-Visayan Hills Alerta Association, Libis-Loyola Heights Alerta SEA-K Association, Aleta Lavandera District ll-A Association at Alerta Lavandera Novaliches Association.
Bahagi ito ng selebrasyon ng ika-16 na anibersaryo ng EDSA People Power 1 na naunang pinamunuan ng Pangulong Arroyo sa People Power monument.
Sinabi ni Arroyo, na ang pagpupunyagi niyang magtrabaho ay naglalayong mahango sa kahirapan ang mamamayan.
Ayon sa Pangulo, ang taguring labandera ay ipinagkakapuri niya. Ang kanyang Lola anya ay isang labandera na siyang pinagkunan ng pagpapaaral niya sa kanyang amang si dating Pangulong Diosdado Macapagal. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest