^

Metro

WPD nakaalerto sa EDSA 1 celebration

-
Nakaalerto ngayon ang buong pamunuan ng Western Police District (WPD) hinggil sa taunang selebrasyon ng makasaysayang Edsa People’s Power 1 na posibleng samantalahin ng mga maka-kaliwang grupo at maging banta sa seguridad ng mga militanteng grupo at iba pang taong sasama sa nasabing okasyon.

Nakataas sa double red alert ang buong nasasakupang ni WPD Director Chief Supt. Nicolas Pasinos Jr., kasabay nang pagpapairal ng ‘‘maximum tolerance’’ sa lahat ng magsasagawa ng malawakang kilos protesta.

Umabot sa 2,500 na kagawad ng Manila’s Finest ang ikinalat sa paligid ng US Embassy sa Roxas Blvd., bukod pa sa mga pulis na naka-deploy sa Mendiola, Plaza Miranda, oil depot sa Pandacan at sa mga istasyon ng LRT.

Inaasahan na ngayong araw na ito ay magiging aktibo ang mga militanteng grupo sa pagsasagawa ng serye ng kilos protesta kaya’t buong higpit na babantayan ang paligid ng Malacañang na isa sa mga paboritong pagdausan ng rally.

Samantala, pinalaya kahapon at hindi na kinasuhan si Jomar Apolinario,19, estudyante ng Polytechnic Universtiy of the Philippines (PUP) na inaresto ng pulisya kamakailan sa harap ng US Embassy matapos magsagawa ng isang marahas na kilos protesta. (Ulat ni Ellen Fernando)

DIRECTOR CHIEF SUPT

EDSA PEOPLE

ELLEN FERNANDO

INAASAHAN

JOMAR APOLINARIO

NICOLAS PASINOS JR.

PLAZA MIRANDA

POLYTECHNIC UNIVERSTIY OF THE PHILIPPINES

ROXAS BLVD

WESTERN POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with