Ayon sa QC Fire Dept., nagmula ang sunog sa isang bahay sa Gana compound, Brgy. Unang Sigaw ng nasabing lungsod.
Bandang alas-9:25 ng umaga nagsimula ang sunog na umabot sa Task Force Echo. Matapos ang halos tatlong oras ay dineklara itong fire-out ng mga bumbero.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng QC fire Dept., dahil sa naturang sunog, isang tangke ng LPG ang sumabog at isang bata, hindi nakuha ang pangalan, ang sinasabing nasugatan pero mabilis itong nadala sa isang ospital sa nasabing lungsod para gamutin.
Kaugnay nito, pansamantalang inampon ni QC Mayor Feliciano SB Belmonte Jr., ang mga nabiktima ng sunog.
Samantala, P5 milyon halaga ng ari-arian ang natupok ng apoy sa Café de Malate na pag-aari ni Abraham Velasco sa Leon Guinto, Manila. (Ulat nina Angie dela Cruz at Ellen Fernando)