^

Metro

200 bahay naabo; bata nasabugan ng LPG

-
May 200 kabahayan ang nilamon ng apoy samantalang isang bata ang nasabugan ng liquefied petroleum gas (LPG) sa naganap na sunog sa Quezon City, kahapon ng umaga.

Ayon sa QC Fire Dept., nagmula ang sunog sa isang bahay sa Gana compound, Brgy. Unang Sigaw ng nasabing lungsod.

Bandang alas-9:25 ng umaga nagsimula ang sunog na umabot sa Task Force Echo. Matapos ang halos tatlong oras ay dineklara itong fire-out ng mga bumbero.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng QC fire Dept., dahil sa naturang sunog, isang tangke ng LPG ang sumabog at isang bata, hindi nakuha ang pangalan, ang sinasabing nasugatan pero mabilis itong nadala sa isang ospital sa nasabing lungsod para gamutin.

Kaugnay nito, pansamantalang inampon ni QC Mayor Feliciano ‘SB’ Belmonte Jr., ang mga nabiktima ng sunog.

Samantala, P5 milyon halaga ng ari-arian ang natupok ng apoy sa Café de Malate na pag-aari ni Abraham Velasco sa Leon Guinto, Manila. (Ulat nina Angie dela Cruz at Ellen Fernando)

ABRAHAM VELASCO

ANGIE

BELMONTE JR.

ELLEN FERNANDO

FIRE DEPT

LEON GUINTO

MAYOR FELICIANO

QUEZON CITY

TASK FORCE ECHO

UNANG SIGAW

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with