^

Metro

Graduating student, tepok sa salpok ng van

-
Kalunus-lunos ang naging pagkamatay ng isang 22 anyos na graduating student na babae makaraang magkalasog-lasog ang mga buto nito at mabasag ang bungo ng masagasaan at makaladkad ng dalawang rumaragasang van sa Proj. 4, Quezon City, kahapon.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Mely Rubata, 22, graduating at working student ng Binangonan, Rizal.

Sa ulat ng pulisya, halos hindi na makilala ang biktima matapos na mabundol ng isang Kia Pride at umilalim sa isang close van habang papatawid sa E. Rodriguez Avenue, Libis, QC.

Sinabi ni PO1 Renato Sunga, may hawak ng kaso, ang unang nakabundol sa biktima ay ang Kia Pride na minamaneho umano ni Maria Olandres, 37, habang papatawid si Rubata sa nasabing lugar na tumilapon sa likurang bahagi nito.

Natumbok naman umano ng kasunod na close van na may plakang PXU-370 ang biktima bago umilalim dito at kinaladkad ng ilang metro ang layo na naging sanhi para magkalasug-lasog ang katawan nito.

Isinugod sa ospital ang biktima pero hindi na umabot dahil sa tindi ng pinsalang natamo nito. (Ulat ni Jhay Mejias)

vuukle comment

BINANGONAN

ISINUGOD

JHAY MEJIAS

KALUNUS

KIA PRIDE

MARIA OLANDRES

MELY RUBATA

QUEZON CITY

RENATO SUNGA

RODRIGUEZ AVENUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with