^

Metro

Bumangga sa ambulansiya kinasuhan

-
Isang 21-anyos na jeepney driver ang kinasuhan sa Marikina City Prosecutor’s Office na nakabangga sa isang ambulansya at naging sanhi umano upang tuluyang mamatay ang isang 80 anyos na lolang sakay nito habang papuntang ospital samantala walo katao pa ang nadamay at malubhang nasugatan.

Si Melencio Quinones, 21, binata, driver, at nakatira sa San Mateo, Rizal ay sinampahan ng kasong reckless imprudence resulting to homicide, multiple physical injuries at damage to properties.

Kinilala naman ang nasawi na si Trinidad Bautista, balo, ng San Mateo, Rizal, sakay ito ng ambulansya para dalhin sa Amang Rodriguez Medical Center (ARMC).

Sa ulat ni SPO1 Gerardo Nuestro, imbestigador, binabaybay ng ambulansya buhat sa bayan ng San Mateo nang sumalpok naman ang pampasaherong dyip na minamaneho ni Quinones dakong alas-2:45 kamakalawa ng hapon sa may panulukan ng Guerilla at Toyota st., Sto. Niño Marikina na naging dahilan para tumaob ang nasabing ambulansya.

Isinugod sa nasabing ospital si Bautista pero namatay ito dakong alas-10 ng gabi. Dinala rin sa pagamutan ang mga sakay ng ambulansya na sina Joseph Angeles, 29, drayber at Maureen Pascual,25, nurse, Milagros Gloriani,48 at Antonio Bautista,42.

Sina Nelson Jimenez, 55, tricycle driver ng Marikina, Ramon Mercado, 53, at John Patrick Torres,17, pawang taga-Marikina City ang mga pasahero ng jeepney na nilapatan ng kaukulang lunas sa AMRC.

Samantala, si Quinones ay kinulong ng pulisya sa Marikina City Jail. (Ulat ni Danilo Garcia)

AMANG RODRIGUEZ MEDICAL CENTER

ANTONIO BAUTISTA

DANILO GARCIA

GERARDO NUESTRO

JOHN PATRICK TORRES

JOSEPH ANGELES

MARIKINA CITY

MARIKINA CITY JAIL

MARIKINA CITY PROSECUTOR

SAN MATEO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with