60-anyos sinumpong ng rayuma, napisak sa tren
February 20, 2002 | 12:00am
Dahil sa pagsumpong ng kanyang rayuma, hindi nagawang makaiwas ng isang 60-anyos na lolo sa rumaragasang tren ng Phil. National Railways (PNR) sanhi ng kanyang pagkakahagip hanggang sa mapisak, kahapon ng umaga sa Sta. Mesa, Maynila.
Basag ang bungo at halos di na makilala ang bangkay ng biktimang si Venturito Bucad, biyudo, ng #363 Parcel St., Sta. Mesa.
Lumalabas sa imbestigasyon na naganap ang insidente dakong alas-9 ng umaga sa gilid ng riles ng tren sa Parcel St.
Nabatid na sinumpong umano ng rayuma ang biktima kung kaya napaupo ito sa gilid ng riles.
Dahil sa sakit na nararamdaman at hirap kumilos, hindi ito kaagad nakatayo nang makitang paparating ang tren patungong Tayuman hanggang sa mahagip sa bandang puwitan.
Sa bilis ng tren ay nakaladkad ang nasabing biktima at pumailalim sa nasabing sasakyan at nadurog.
Inaalam pa ng awtoridad ang pangalan ng driver ng tren matapos na hindi nito ihinto ang nasabing tren at takasan ang nasabing krimen. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended