Sekyu natigok sa ininom na nilagang balat ng punong Narra
February 20, 2002 | 12:00am
Dahil sa paniwalang mas mabilis at mabisang gamot ang herbal , isang 26-anyos na security guard ang nasawi makaraang uminom ng nilagang balat ng narra sa Quezon City, kahapon ng madaling-araw.
Nakilala ang biktimang si Reynaldo Soriano, ng #182 Daang Tabo Area III, Loyola Heights, QC.
Batay sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-2:45 ng madaling-araw sa loob ng binabantayang Marine Science (Coral) Bldg., UP Campus, Diliman, Quezon City.
Napag-alaman na may sakit sa bato si Soriano at dahil sa mahal masyado ang mga gamot nito, minabuti na lamang ng biktima na mag-self-medication at uminom ito ng nilagang balat ng narra.
Ngunit makalipas ang ilang minutong pag-inom ng nilagang herbal ay nakaramdam ng panginginig ng katawan, pagsusuka at pagkahilo si Soriano na naging dahilan upang isugod ng kasamahang security guard na si Gonzalo Larquiza sa UP infirmary.
Pagdating sa nasabing ospital, idineklarang patay na ito ni Dr. Roberto Lachica.
Ang bangkay ay dinala sa PNP-Crime lab para awtopsiyahin at malaman ang tunay na dahilan ng pagkamatay nito. (Ulat ni Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended