Obrero lasog sa tren
February 19, 2002 | 12:00am
Dahil sa lakas ng impact, nahati ang katawan ng isang 19-anyos na binata makaraang mahagip at kaladkarin ng tren, kamakalawa ng gabi sa Muntinlupa City.
Nasawi noon din si Carlos Roxas III, packager sa Passion & Ltd., Packaging Warehouse sa nasabing lungsod.
Ayon sa imbestigasyon, dakong alas-7 kamakalawa naganap ang insidente sa PNR Site, Bruger St., Brgy. Putatan, Muntinlupa City.
Nabatid na kagagaling lamang sa inuman ng biktima kasama ang kaibigang si Alex Cayton, 21, ng nabanggit ding lugar.
Pauwi na ang biktima pero bumalik din nang malaman na nag-aaway ang mga kaibigan at hangad na mamagitan sa nasabing gulo.
Dahil sa labis na kalasingan, pasuray-suray na binaybay ng biktima ang riles at hindi narinig at namalayang may papasalubong na tren sa kaniyang daraanan.
Maraming ulit na pinagsisigawan ang biktima pero tila bingi ito at hindi batid ang kamatayang kinakaharap.
Dahil sa lakas at direktang impact ng tren sa biktima ay nahati ang katawan nito sa dalawa. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended