^

Metro

2 misis ginawang punching bag

-
Dahil sa hindi umano kaagad hinandaan ng pagkain para sa hapunan, ginawang punching bag ang dalawang ginang ng kani-kanilang live-in partner habang ang mga ito ay lasing sa magkahiwalay na insidente kamakalawa ng gabi sa Makati City.

Kinilala ang unang biktimang si Grace Mifune, 29, walang trabaho, ng #2832 E. Zobel St., nagtamo ng mga pasa sa mukha at katawan sanhi ng matinding gulpi ng ka-live-in na si Serveriano Alesna Jr., 23, walang trabaho, ng nasabing lugar.

Sa report na natanggap ni P/Insp. Solitaire Montayre, hepe ng Women and Children’s Desk Unit, Makati City Police, naganap ang insidente dakong alas-10 kamakalawa ng gabi sa nabanggit na lugar.

Umuwi umanong lasing ang suspect at nang hindi ito nahandaan kaagad ng hapunan, ginawang punching bag ang biktima at tinangka pang saksakin.

Ang isa pang biktima ay nakilala namang si Dolores Yaldua, 43, ng #1180 Batangas St., Brgy. Pio del Pilar, Makati. Inireklamo nito ang panggugulpi ng suspect na si Ariel Yaldua.

Naganap naman ang pambubugbog dakong alas-10 kamakalawa ng gabi nang umuwi rin itong lasing. Tulad ng naunang ginang, nang hindi agad mahandaan ng hapunan ay ginulpi rin ang babae. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

ARIEL YALDUA

BATANGAS ST.

DESK UNIT

DOLORES YALDUA

GRACE MIFUNE

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE

SERVERIANO ALESNA JR.

SOLITAIRE MONTAYRE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with