Binata pinatay dahil mahusay magsayaw
February 19, 2002 | 12:00am
Tinadtad ng saksak hanggang sa mapatay ang isang 18-anyos na binata ng apat na miyembro ng hip-hop gang kasama ang dalawang kababaihan na nabanas sa una dahil sa galing ng una sa pagsayaw kahapon ng hapon sa Quezon City.
Namatay noon din sa pinangyarihan si Richard Sanchez, estudyante, ng #8 Masbate St., Brgy. Nayon Kaunlaran West Ave.
Kinilala ni P/Supt. Cecilio Aguilar, hepe ng Central Police District(CPD)-Station 2, ang dalawa sa apat na arestadong suspect na sina Jhon Ernis, 21, liason manager at Fil Brian, 20, kapwa residente ng Laguna St., Brgy. Ramon Magsaysay, Bago Bantay.
Sa imbestigasyon ng CPD ay naganap ang pananaksak dakong alas-2 ng hapon sa harapan ng bahay ng biktima.
Nagpa-practice ng sayaw si Sanchez habang pinanonood ng mga suspect kasama ang dalawang babae.
Ilan sa mga saksi ang nagsabing biglang nilapitan ng suspect ang biktima habang nagsasayaw at walang sabi-sabing pinagsasaksak habang pinagmamasdan lamang ng mga kasamahang babae.
Inihinto lamang ang pagsaksak kay Sanchez nang makitang hindi na ito humihinga.
Gayunman, nadakip din ang mga suspect matapos magsagawa ng follow-up operation ang mga kagawad ng Baler Police.
May hinala ang pulis na posibleng hindi nagustuhan ng mga suspect ang kahusayan sa pagsasayaw ng biktima kung kayat ito ay sinaksak. (Ulat ni Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 28, 2024 - 12:00am
November 27, 2024 - 12:00am
November 26, 2024 - 12:00am