Trader agaw-buhay sa McDo holdap
February 18, 2002 | 12:00am
Agaw-buhay ang isang negosyante makaraang barilin ng hindi pa nakilalang suspect nang ito ay holdapin at manlaban sa loob ng comfort room ng McDonalds kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.
Nasa Intensive Care Unit (ICU) sa pagamutan ng Manila Central University (MCU) sanhi ng isang tama ng bala ng baril sa kanang ulo na tumagos sa bibig ang biktimang si Orlando Garcia, hustong gulang ng Lot 12, 356 Dulong Buhangin St., Sta. Maria, Bulacan.
Nagsasagawa naman ng follow-up operation ang Northern Police District Office (NPDO) at tinutugis ang suspect.
Sa ulat ni P/Sr. Insp. Emmanuel Bravo kay PO1/Supt. Benjardi Mantele, hepe ng Caloocan Police Station, naganap ang krimen dakong alas-10 ng gabi sa McDonalds chain na nasa kahabaan ng EDSA at Gen. Simon St. ng nabanggit na lungsod.
Magkasamang nagtungo sa fastfood ang biktima at ang isang kaibigan nitong nagngangalang Arturo Ballesteros, 55 anyos, may asawa, residente ng 9th Ave., Ext. upang kumain.
Matapos kumain ay tumayo ang biktima at nagpaalam na iihi lamang. Nabatid na nakita ni Ballesteros na mayroong isang lalaki na sumunod sa biktima nang ito ay magtungo sa palikuran.
Ilang sandali ay umalingawngaw ang malakas na putok ng baril mula sa loob ng CR at isang lalaki naman ang tumakbo papalabas sa lugar kung saan nagmula ang putok.
Ang biktima ay naliligo sa sariling dugo habang nakabukas pa ang zipper ng pantalon ng ito ay matagpuan sa loob ng CR.
Hinihinalang hinoldap ng suspect habang nakatalikod at umiihi ang biktima. (Ulat ni Rose L. Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended