^

Metro

Preso natigok sa selda

-
Sinisisi ng mga kamag-anak ng isang preso na namatay sa matinding lagnat ang mga guwardiya ng Parañaque City Jail sa kapabayaan ng mga ito matapos na mamatay ang biktima na hindi naisugod sa pagamutan kahit na nagdedeliryo na ito, kamakailan sa naturang lungsod.

Itinuro kahapon ni Rafael Imperial, kapatid ng biktimang si Jesus Imperial, 42, ang mga duty jail guards sa naturang city jail na nagpabaya sa kanilang tungkulin kahit na ilang beses na niya itong hiningian ng tulong noong nakaraang Miyerkules ng gabi habang inaapoy ng lagnat ang biktima.

Nabatid na kapwa nakakulong sa naturang piitan ang magkapatid na Imperial dahil sa kaso sa droga o paglabag sa Sec. 16 R.A. 6425.

Sinabi nito na dumaing umano ang kanyang kapatid ng matinding pananakit ng tiyan, panghihina at panlalamig ng katawan. Nang kanyang suriin ito ay nabatid niyang napakataas ng lagnat ng kapatid.

Humingi siya ng tulong at nakiusap na maisugod sa pagamutan ang biktima ngunit hindi umano siya pinansin ng mga guards-on-duty. Nakagawa naman ng paraan si Rafael na makadiskarte ng gamot at ipinainom sa kapatid ngunit nagpatuloy pa rin ang pagtaas ng lagnat nito.

Muli umano siyang humingi ng saklolo sa mga guwardiya na mapadala na sa pagamutan si Imperial ngunit ikinatwiran umano sa kanya na wala ang service na sasakyan ng BJMP na maghahatid sa kanila.

Dakong alas-4:30 ng madaling-araw ng Huwebes nang bawian ng buhay ang biktima ngunit saka lamang ito isinugod sa Parañaque Community Hospital.

Nanawagan si Rafael kay DILG Sec. Joey Lina na magsagawa ng imbestigasyon sa naturang kaso upang maparusahan ang mga guwardiyang nagpabaya sa kanilang tungkulin. (Ulat ni Danilo Garcia)

CITY JAIL

COMMUNITY HOSPITAL

DAKONG

DANILO GARCIA

HUMINGI

JESUS IMPERIAL

JOEY LINA

RAFAEL

RAFAEL IMPERIAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with