Writer ng 'The Padilla Files', ipinapaaresto
February 17, 2002 | 12:00am
Nagpalabas ng warrant of arrest si Quezon City Regional Trial Court Judge Diosdado Peralta laban sa isang manunulat na napatunayang nagkasala ng libelo matapos na magsulat ng mga nakasisira sa ina ng tinaguriang Bad Boy of Philippine Cinema na si Robin Padilla.
Itoy matapos na hindi dumating sa promulgation noong Biyernes at maging sa arraignment noong Oktubre 3, 2000 si Ma. Urduja Osit, mas kilala sa pangalang Ma. Urduja Li, noong Biyernes sa sala ni Peralta.
Ayon kay Mary Ruth Ferrer, branch clerk of court, sinabi nito na wala si Osit sa kanyang ibinigay na address sa Sta. Mesa. Pinangangambahan na nakaalis na ito ng bansa.
Si Osit ay nahatulan ng korte na makulong ng dalawang taon matapos na mapatunayang may malisya sa kanyang pahayag sa Star Talk ng Channel 7 at sa librong isinulat nito na "The Truth Behind Lies: The Padilla Files."
Bukod sa dalawang taon na pagkakulong, inatasan din ni Peralta si Osit na bayaran ang action star ng P2 milyon bilang moral damages at attorneys fees na P100,000. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest