Salisi member tumalon mula sa 10th floor
February 16, 2002 | 12:00am
Dahil sa takot na mapatay sa bugbog ng taumbayan isang miyembro ng "Salisi Gang" ang tumalon mula sa ika-10 palapag ng isang gusali sa Sta. Cruz, Maynila kahapon ng hapon.
Hindi pa makausap dahil bali ang braso at paa ng biktima na hanggang sa kasalukuyan ay inaalam pa ng awtoridad ang pangalan habang nakaratay sa PGH.
Isa sa mga kasamahan ng nasabing gang member ay naaresto ng mga nagrespondeng kagawad ng WPD-Station 11 na nakilalang si Noli Morales, 19, ng Kahilum, Pandacan, Maynila.
Sa inisyal na ulat ni SPO4 Roberto Macadeo, may hawak ng kaso, dakong alas-11:45 ng tanghali sa ika-10 palapag ng Prudential Bldg., Plaza Lacson, sa Sta. Cruz church naganap ang insidente.
Nagpanggap umano ang dalawang miyembro ng Salisina magso-solicit. Habang nakikipag-usap si Morales sa mga empleyado, sumalisi naman ang nagpanggap na biktima na kasamahan ng una at nang makakita ng isang bukas na bag ay tinangka nitong tangayin ang isang 8210 cellphone na nasa loob ng nasabing bag.
Gayunman, may nakakitang empleyado rito at nagsisigaw kung kayat nagsimulang habulin ang mga suspect.
Habang hinahabol, hinubad pa ng di-kilalang suspect/victim ang kanyang suot na T-shirt upang makaiwas na mahila ng mga humahabol.
Nang matutop at wala nang masuungan, minabuti nitong tumalon na lamang sa gusali na may 10 palapag na ikinabali ng mga buto nito. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended